Pasko Paksiw Pasko Paksiw
Magpapasko na naman. Kung iisipin objectively, without any religious biases, isang routine lang naman talaga ito. Paulit-ulit na nangyayari at paulit ulit na ginagawa; panahon ito ng mga bonuses at isang avenue para sa media at businesses para kumita ng malaking pera dahil soceity calls for everyone to give--peer pressure kumbaga. Nakakahiya naman kasing hindi magbigay kapag binigyan ka ng isang over zealous
Christmas filled officemate or friend ng regalo.
Give LOVE daw on Christmas day, pero most of the time hindi naman LOVE ang inaanticipate natin, mas inaanticipate pa usually ang gifts. Kaya nga maraming perang umiikot sa panahong ito. In my case, isa lamang akong consumer, nagaantay ng bonus at nagiisip ng mga bagay na pagkakagastusan. Routine. Ganito ako palagi.
Kasama din sa routine ko tuwing pasko ang iba ibang reaksyon ko towards it. May mga kapaskuhan na apathetic lang ako, yung tipong "ok pasko na naman, ano na nga ulit ang iluluto ko, sinu sino na nga ulit ang kelangan kong bigyan ng regalo", meron din naman mga kapaskuhan kung saan maldita lang ang peg ko. Ayaw kong pakialaman ng kahit sino ang mundo ko at galit lang ako sa lahat ng tao. Over na ako sa stage na ito. Madalas akong ganito nung High School ako.. angst-ful stages in life. On a lighter note, may mga pasko din naman kung saan ako ay masaya at excited. Tulad ng paskong ito.
Excited na ako magChristmas kasiiiiii.... hindi ko alam? haha. Iniisip ko nga kung bakit ako excited pero walang anything in particular na pagkaka-excited-an. Siguro, repercussion na lang rin ito ng mga nakaraang kaganapan sa aking buhay.
Madami akong kailagang ipagpasalamat sa tunay na reason kung bakit may pasko. Kahit ano pa man ang i-sinusuksok sa kukote natin ng media na ang tunay na diwa ng pasko ay pagbibigayan, may santa klaus, or kung basag trip na wala talagang pasko. Naniniwala ako na may pasko dahil dito natin sine-celebrate ang pagkapanganak ni Jesus Christ. Basic lang. Sine-celebrate natin ang birthday ni baby Jesus; na ipinanganak para bayaran ang ating mga kasalanan- to wipe our slates clean.
Iniisip ko, parang ironic noh, may pasko masaya tayo kapag pasko dahil ipinanganak ang sanggol na si Jesus; na ipinadala para naman mamatay bilang kabayaran sa mga kasalanan ko. Nabuhay siya para mamatay at masaya tayo dun. Ang pasko ay may direct relationship sa mahal na araw. Medyo malayo lang ng konti ang agwat ng mga buwan, pero yun talaga yung essence nun. Lagi rin nating nalilimutan yun, lagi kong nalilimutan yon at lagi kong kinakalimutan Siya.
Excited akong magpasalamat, kasi napaka-evident ng grace na meron ang Lord sa akin this year. Evident ang grace dahil evident din ang sin at ang pagmamaktol. Honestly, hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan at ayaw ko na sigurong intindihin kung bakit may ganitong klaseng pagmamahal. Binigyan ako-tayo ng tagapagligtas, pinanganak siya ng Christmas, pinanganak siya para mamatay; tapos ang duty na nga lang natin ay sumunod sa kanya. Magbasa ng bible araw araw, mag pray, be excellent at what you do, be honest, love others etc. pero hindi ko pa rin ginagawa faithfully. May mga moments pa nga na deliberate ang pagtalikod at pag-ignore.
So ayun, sa tingin ko more than anything else this season calls me to be thankful, for Jesus Christ- the reason for this season. That I so truly cherish and ignore from time to time. Nakakahiya na pa dwindle dwindle lang ako palagi, smantalang steady lang Siya palagi sa pagmamahal at sa continuous na pagpapatawad sa lahat ng kamalian.
Bakit kaya ganun? Bakit kaya lagi lagi na lang Niya akong pinapatawaad? Lagi lagi na lang Niya akong sinasagip. Lagi lagi na lang Niya akong pinapatahan. Lagi lagi na lang Niya akong binibigyan ng favors. Lagi lagi na lang Niya akong minamahal. Buti na lang hindi Siya nagsasawa.
Hindi pa officially Pasko. Pero maraming salamat Lord sa lahat ng nangyari sa akin sa taong ito-- maganda man o hindi. Alam ko na mas maganda ang planong nasa isip Mo para sa buhay ko, keysa sa mga planu-planuhang ginagawa ko. Magtitiwala ako at magrerelax- magpapati-anod sa agos ng alon na pagdadalhan mo sa akin. Susubukang mabuti maging faithful at maging mas mabait. hehe.
Pasko na pasko na. :)
Comments
Post a Comment