Fabulous Fridays

Yah yah! Friday's technically over, but here's a run down of today's events. I just have to tell why this Friday was fabulous.


  • English Lessons- Masaya maging studyante ulit. Naaliw akong magaral, gumawa ng assignment, makinig sa teacher, at natatawa din akong nalelate ako sa klase. Nyahaha. siguro kung nagpapakanta din yung teacher ko (nagpapakanta kasi ako ng late sa klase) nakapagconcert na ako ng bongga. Kanina inaral ulit namin kung paano mag pronounce ng mga English words at nagaral din kami tungkol sa grammar. Nagaaral kami kasi balak namin magtake ng IELTS exam para sa inaasam asam ng scholarship. Isama niyo naman ito sa prayers dahil medyo convinced ako na kung hindi ako matanggap sa scholarship na ito e malamang sa hindi ay magiging tindera na lang ako ng balut in the future.

  • Chit-chats- season of love ko daw ngayon ayon sa fearless declaration nung nagiisa kong classmate sa english lessons, at naku inday, wala kaming ginawa kanina kundi magchikahan tungkol sa mga crush, mga past cheverlu at mga bagay na narealize tungkol sa mga kamanhidang paeffect namin nung unang mga panahon. Haha. sabi niya... i should enjoy the feelings daw... ako naman... hmmm yeah.. maybe i should.. kaya lang lahat ng bagay nirarationalize ko at nilalagyan ng logical na kahulugan.. so I will try my best to be illogical and not irrational... lets see what happens.

  • Field Trips- I have been planning a field trip for my classes for this semester. I sent a letter to two Companies and I finally received a confirmation from company A. So that means field trip is a go. (happy girl singing: Yehey. tralalalalala!!!) Kailangan pang i-plantsa ang ilang mga loop holes tulad ng confirmation ni company B (keeping fingers crossed), at ng cooperation ng mababait na mga studyante at ng mabait ding administration.

  • Clicked away- ito natuwa naman ako ng sobra. Kasi last week, i just made a few clicks from the internet para makuha ang birth certificate ko para makapagprocess na ng mga papers and all that. filed up the application form, paid online and waited. Tapos natanggap ko na rin ngayon ang birth certificate ko. If you need copies of your birth certificates, pwede na kayong pumunta sa web site ng NSO (click here) tapos, literal na click it all away lang, pwede pang pay online at meron ka nang documents after a few days. Kudos talaga sa NSO, isang testimonial ito na nagiimprove naman ang sistema ng gobyerno ng Pilipinas.
  • Cooked for a bunch of people- (mga 10 in all yata) mahilig akong magluto kaya lang madalas sa hindi dahil tatlo lang kami sa bahay ay walang audience ang aking mga produkto. So this time, masaya akong madaming nalason kumain ng mga niluto ko. Mukha namang lumaki ang mga tiyan nila after nilang umalis sa bahay. So, okay na rin kahit hindi ko nakuha ang everything that I had in mind. Which means, may kailangan pa talagang i-settle.
Oh wells papels. May mga parte din namang hindi fabulous sa Friday na ito. Nanjan na ang pagod sa mga bagay na paulit-ulit, mga pasensyang nauubos, mga failed expectations, mga sayang at ngayon ko lang naintindihan yon moments, mga bitter pies etc. Pero dahil convinced ako na fabulous ang friday na ito, ngalingali kong inuulit ulit na: I should not let the sad things ruin my day but rather I should make the happy things greater para the sad things will eventually go away kahit for a day lang.  

Comments

Popular posts from this blog

The 30 day exercise. Day 01

DAY20: MERALCO yellow card & DAY21: network/ sphere of influence

DORK, PROFESSIONAL DOG WALKER/ PET SITTER & DISHWASHER EXTRAORDINAIRE