parang masaya maging mundane...

Tapos na ang sem ko at libre na akong magsulat at magisip ulit ng kung anu-ano. Not that I do not think naman of kung anu ano when the semester is on-going (I am weird like that), pero ngayon naisip ko parang masaya maging MUNDANE.

Una. ano nga ba ang ibig sabihin ng mundane? sabi ng Meriam Webster Dictionarydefinition 2: characterized by the practical, transitory, and ordinary: commonplace <the mundane concerns of day-to-day life> In short pagsinabi mong mundane, ito yung mga bagay na hindi importante. yung tipong mababaw lang.

Pangalawa: Bakit ko naisip na parang masaya maging mundane? Kasi feeling ko (eto nagbubuhat na ako ng sariling bangko, pero honest lang) hindi ako mundane. to the point na kahit ako nakokomplikaduhan ako sa sarili ko paminsan. I am weird like that. I think about ways on how I would want to change the world, how I would want to create a positive impact in the Philippines, how I would like to get the coveted scholarship to further my studies para balang araw e makapag-establish ng totoo at hardcore na research facility ng Electrical Engineering dito sa Pilipinas. Yung tipong pang center of excellence ang peg. Mga pangarap na long shot. mahilig akong magisip ng mga pangarap na wirdo. Kung naging studyante kita, e probably natanong na kita ng mga weird questions ko, pero intentional yun. Kasi gusto kong magisip ang mga studyante ko beyond the mundane-ity that this generation is making pauso,

Nakakainis nga e. nitong kamakailan lang may nahalukay akong sinulat kong pangarap nung 19 years old ako. Sabi ko dun pangarap kong maging teacher at maging engineering consultant. Nakakainis, pinangarap ko pala talaga ang propesyong ito. Parang gusto kong sabihin sa 19 year old self ko.. bakit naman hindi mo pinangarap yumaman or maging artista or maging sikat or something. Kainis. Pa-change the world palagi ang peg.


Pangatlo. Habang nanonood ako ng isang magazine show kanina. Naisip ko, mas magiging masaya kaya ako kung ang problema ko lang ay kung ano ang kulay ng isusuot ko bukas?
anong klaseng braid ang ilalagay ko sa hair para sa occasion na aattendan ko?
anong foot wear ang gagamitin ko?
anong bag ang dadalhin ko?
.
feeling ko minsan masaya rin yung ganun. wala lang. tipong yung pangarap mo lang e maging mayaman para mabili ko ang lahat ng gusto ko.

Pero. Hindi e...

I was not cut out for that kind of mentality.

Feeling ko mababaw ang buhay kung pagkakamkam lang ng maraming salapi ang goal ng lahat ng tao. so yeah, okay lang siguro na paminsan minsan ay magpapakamundane ako. pero hindi ko kakayanin... feeling ko isusumpa ko ang sarili ko kung magiindulge ako sa ganung mentality. sayang ang buhay kung ganun..

just something to think about...


Comments

Popular posts from this blog

The 30 day exercise. Day 01

DAY20: MERALCO yellow card & DAY21: network/ sphere of influence

DORK, PROFESSIONAL DOG WALKER/ PET SITTER & DISHWASHER EXTRAORDINAIRE