About that upcoming presidential elections...
Una sa lahat, mahal ko ang aking bayan. Ito nga siguro ang kasalukuyang naguudyok sa akin para manatili at piliin ang pagtuturo sa unibersidad. Lubos akong nagaalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong mapiling kandidato. Alam kong hindi ako magisa dito, pero ang weird lang this time kasi wala talaga akong mapili AT ALL. Kasalukuyang mas lumalakas ang appeal sa akin na maging apathetic at mangibang bansa na lang para mas malaki ang kitaing pera. Itapon na yang idealismo nang paglilingkod sa bayan at paghubog ng mga iskolar nito crap kung ganyan lamang din naman ang mga pagpipiliang presidente. Mahal ko ang aking bayan, at nalulungkot ako dahil sa tingin ko... the Philippines deserves better candidates than the ones we have now. Wala akong mapiling presidente dahil: Ayaw ko ng presidente na walang moral compass. Lalo pa kung ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan para mangamkam ng mga lupa at ariarian. Although nag aagree ako na may mga kandidatong tuso at maga...