About that upcoming presidential elections...
Una sa lahat, mahal ko ang aking bayan. Ito nga siguro ang kasalukuyang naguudyok sa akin para manatili at piliin ang pagtuturo sa unibersidad. Lubos akong nagaalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong mapiling kandidato. Alam kong hindi ako magisa dito, pero ang weird lang this time kasi wala talaga akong mapili AT ALL.
Kasalukuyang mas lumalakas ang appeal sa akin na maging apathetic at mangibang bansa na lang para mas malaki ang kitaing pera. Itapon na yang idealismo nang paglilingkod sa bayan at paghubog ng mga iskolar nito crap kung ganyan lamang din naman ang mga pagpipiliang presidente.
Mahal ko ang aking bayan, at nalulungkot ako dahil sa tingin ko... the Philippines deserves better candidates than the ones we have now. Wala akong mapiling presidente dahil:
- Ayaw ko ng presidente na walang moral compass. Lalo pa kung ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan para mangamkam ng mga lupa at ariarian. Although nag aagree ako na may mga kandidatong tuso at magaling, medyo mas leaning ako towards believing na if he gets elected (which is highly likely [please kill me now]), gagamitin niya ang pagiging tuso at magaling para sa kanyang ikalalago lamang.
- Ayaw ko ng presidente that cracks under pressure, especially if it is a situation where living or dying is involved (especially if you've heard first hand accounts about some horror stories). Hindi ko rin gusto yung karaniwang style ng ibang mga politiko na nagpaparinig at nang sisira sa kalaban? Napaka petty at unprofessional ng dating, lalo pa kung may option naman to answer it in such a way na you'll end up to be the bigger man.
- Ayaw ko ng presidente na walang isang salita, fickle minded, at yung tipong hindi ako sure kung mapoprotektahan ba ang human rights ko? Kasi parang kill them all ang platapormang ipinaparating niya sa mga mamamayan, na mukhang bumebenta naman sa karamihan. Para sa akin kasi kahit yung i-kikill naman niya ay masasamang loob, kahit naman paano ay may karapatan pa rin silang magbago or something. And... cussing, womanizing, and an obviously twisted moral standard does not really appeal to me.
- Ayaw ko ng presidente na inexperienced at willing mag bend at mag compromise sa kanyang moralidad or beliefs (kung meron man) para maka-akit lamang ng mga botante. Madali akong madala sa maganda at malinis na image (sino ba naman ang hindi diba), pero dude parang ang hirap lang din kung neutral palagi at walang side na inaaniban. Hindi ko rin type yung mga style na hahanap at gagawa ng paraan para maikutan ang batas? Kung presidente ginawa yun paano na lang yung normal na tao diba.
- Ayaw ko ng presidente na may sakit at medyo hindi sure kung tatagal pa ng ilang taon... especially kung itong election pa nga lang medyo alanganin na. Okay, medyo appealing sa akin ang pagka krung krung ng isang tao pa minsan, syempre super appealing sa akin ang brains and integrity. Pero more for concern of a person's well-being and sanity, parang ayaw kong magboto ng ganito.
Alam kong napaka negative ko with these views, at alam kong kulang pa rin ako ng research siguro ng mas malalim sa mga plataporma ng mga pipiliing candidato. Mukha naman ngang lesser evil ang nalalabing choice... or not (hopefully).Very tempting to abstain. Pero ayaw ko. I will try my best and choose someone... mahirap lang talagang pumili.
Naniniwala ako na sana ang standard of leadership ay ang paraan na ipinakita sa Bible. Napakaraming panuntunan na makikita doon...
Halimbawa, sa Luke 6:27-28 pa lang sabi:
Love your enemies, do good to those who hate you, 28 bless those who curse you, pray for those who mistreat you.
Bingo na agad ang mga presidentiables natin sa parteng ito hindi po ba.
Anyway. kung tatanungin ako ngayon kung sino ang iboboto ko ay hindi ko pa rin masasagot ng matino. Kasi I think sobrang the odds are not in my country's favor. Hindi ko alam ang gagawin, at ako ay nangangamba sa kinabukasan ng aking bayan. Naiisip ko na ngayon mag-abroad, which has never even crossed my ideal mind before, at gusto ko man magsawalang bahala... Mahal ko ang aking bayan. Mukhang prayers na lang talaga ang makakagamot dito talaga. At siguro gagawin ko na lang ang kung anuman ang pwede kong magawa para mapabuti ang kalagayan ng bayan. Although alam kong idealistic pa rin, siguro hahayaan ko na lang muna ang sarili ko to be this way habang I can still afford it pa.
Mabuhay!
Comments
Post a Comment