lessons learned from this resignation.

1. Masarap magpakabum sa bahay at bitin pa ako sa bakasyon.


2. Masarap ang pagkaing luto sa bahay.


3. Masarap umuwi nang may mga pets na sumasalubong sayo.


4. Masaya sumakay ng bus na nakikipagkarera sa isa pang bus sa umaga kasi dadating ka ng 30 minutes early sa destination mo.


5. Masayang manood ng mga series sa bus kapag traffic nalilimutan kasi na traffic pala


6. Nakakatawa ang pagiging sobrang liit ng mundo kaya dapat palaging i-seek ang pagpapalaki ng aking mundo


7. Masarap makita ang perspektibong panlabas sa mga trabahong ginagawa mo dati. Mas natututunan kung ano ang mga tama at mali


8. Maganda ang mga umagang gumigising ako sa LB kasi madaming huni ng ibon at napakacolorful ng skyline ng laguna bay kapag sunrise. WALANG USOK AT POLUSYON


9. Respect begets respect


10. Maluwag sa dibdib kapag merong graceful exit


At madami pang iba.


Pahabol: mahirap maka-ispot ng poging lalake sa bus kung more than half of the ride e tumutulo laway mo. :-P


Published with Blogger-droid v2.0.4

Comments

Popular posts from this blog

Crazy Cambodia Day1

Siem Reap to Bangkok by Bus and by Train Day 3

Busy Bangkok Day 4